About Swap.Online

This post is also available in: English (English) 日本語 (Japanese) Русский (Russian) Français (French) Italiano (Italian) العربية (Arabic) 繁體中文 (Chinese (Traditional)) Deutsch (German) हिन्दी (Hindi) Indonesia (Indonesian) 한국어 (Korean) Español (Spanish) Türkçe (Turkish)

Ang Swap.Online

Ang  Swap.Online – ay isang multi-cryptocurrency wallet na gumagana nang direkta mula sa iyong browser. Upang simulan ang paggamit nito, hindi na kailangang i-download ang anumang bagay – pumunta lamang sa swap.online mula sa iyong browser.

Ang pangunahing tampok ng Swap.Online wallet – ay ang built-in na p2p exchange. Ang palitan ay gumagana sa teknolohiya ng Atomic Swap na nangangahulugan na ang mga gumagamit ay maaaring makipagpalitan ng mga cryptocurrency sa pagitan ng iba’t ibang mga blockchain at itakda ang kanilang sariling exchange rate (hal. Bitcoin at Ethereum) nang walang paglahok ng ikatlong partido.

 

Tungkol sa Swap.Online

 

Unang nagpatupad ng  EOS at USDT

Walang bayad, at walang limitasyon

Anonymous, Walang kinakailangang pagpaparehistro

Licensed (FVR000299., Estonia) upang magkaloob ng mga serbisyo sa pakikipagpalitan ng isang virtual na pera laban sa isang Fiat na pera

6 full-time na mga developer, 20 sa kabuuan

 

Mga Tampok Ng Systema

Ang Swap.Online ay karaniwang  tumatakbo ng 2 hanggang 10+ na beses na mas mabilis kaysa sa umiiral na mga palitan ng stock (isinasaalang-alang ang oras na kinakailangan upang mag-deposito at mag-withdraw ng mga pondo). Ang karaniwang  palitan ay tumatagal ng 1-2 minuto.

Ang Swap Online ay hindi nag-iimbak ng mga lihim na susi o kalutasan ng mga gumagamit. Bukod dito, kahit na ang mga mensahe sa pagitan ng  mga gumagamit ay hindi dumadaan sa aming mga server (gumagamit kami ng IPFS). Sa pamamagitan ng pagpasok sa website, maaaring i-download ng mga gumagamit ang kanilang pribadong mga susing kalutasan  at iimbak ang mga ito sa isang pribado at ligtas na lugar. Sa ngayon, ang mga pribadong susi na binubuo ng mga lihim na titik at numero ay naka-imbak lamang  sa browser sa pamamagitan ng ipinasyang opsyon o default, ngunit sa nalalapit  na hinaharap, magkakaroon na ito ng  pagpipilian na magamit ang APP upang i-imbak ang mga ito.

Ang mga gumagamit o users  ay hindi kailangang mag-download o mag-lagay ng anumang mga app, ang mga palitan ay gumagana mismo sa browser.

Ang Swap.Online wallet ay  nangangalaga sa tunay na pagkakakilanlan ng mga gumagamit at nagpapanatili sa kompidensyal na katauhan  at ito rin ay nagtatangi ng  neutralidad ng KYC / AML. Walang sinuman ang maaaring magpahinto  o maaaring humadlang  sa transaksyon ng sinuman.

Ang sistema ay mayroon ng palitan ng Bitcoin at Ethereum blockchains, at pinagpaplanuhan  sa nalalapit na hinaharap na magdagdag ng palitan sa Tether at Lightning Network.

 

B2C Solusyon

Nag-aalok ang Swap Online ng natatanging mga solusyon sa cryptocurrency exchange: buo at lubos na desentralisasyon, mabilis na transaksyon, listahan ng mga order, bubuo ng iyong reputasyon, at ito ay napakadaling gamitin .

Ang proseso ng palitan ay isinasagawa sa pamamagitan ng teknolohiya ng Atomic Swap. Pinapayagan ng teknolohiya ang madali at mabilis na pagpapalitan, dahil ang ibang partido (halimbawa, sentralisadong paraan sa pagbabayad sa mga bangko) ay inaalis. Ang mga gumagamit ay hindi nagpapadala ng kanilang pera sa palitan, ngunit direkta sa bawat isa: mula sa kani kanilang  mga virtual na wallet. Hindi rin namin iniimbak ang pera ng mga negosyante o kanilang mga pribadong susi o kalutasan – ang lahat ng  proseso ng palitan ay isinagawa sa loob ng browser ng gumagamit. Ang aming layunin ay upang bigyan ang mga tao ng direkta, madali at mabilis na transaksyon ng crypto exchange batay sa prinsipyo ng kaligtasan  at ng  desentralisasyon.

 

B2B Solusyon

Ang mga mamimili o customer ay maaaring bumili ng  mga token sa mga pinaka-popular na cryptocurrencies sa Swap.Online! Ang Swap.Online ay nag-aalok ng napakagaling at napakahusay na solusyon para sa pagpapalaki ng halaga ng crypto para sa iyong ICO – at magagawa mong kolektahin ang BTC / ETH at palitan ang mga ito para sa iba pang token sa pamamagitan ng paglagay ng swap.button sa iyong website.

Ang teknikal na solusyon sa likod ng Swap.button ay ligtas dahil ito ay desentralisado. Hindi ito nag iimbak ng mga datos ng  customer o ng gumagamit nito, at hindi nito kinokolekta ang kanilang pribadong mga lihim na susi. Ang lahat ng impormasyon ay naka-imbak sa browser ng mga gumagamit.  Isinasantabi ng teknolohiya ng atomic swap ang ibang  partido sa transaksyon, at ito ay nagpapahintulot  na direktang palitan ang iyong mga token sa crypto ng iyong customer.


Previous page Next page